250716_senatePresident_01vicoy copy

Nahalal bilang bagong Senate President si Senator Aquilino Pimentel III sa pagbukas ng 17th Congress, habang si Senator Ralph Recto naman ang lider ng minorya.

Sa botong 20-3, umukit sa kasaysayan ang pamilya Pimentel bilang kauna-unahang mag-ama na naging Pangulo ng Senado.

Ang batang Pimentel ay nominado ni Senator Vicente Sotto III, na sinegundahan ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang ama ng bagong Senate President na si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr., ay naging Pangulo ng Senado noong 2001.

Si Recto ng Liberal Party (LP) naman ay nominado ni Senator Francis Escudero na inayunan ni Senator Antonio Trillanes IV., para sa minorya.

Sa tradisyon ng Senado, nagpapalitan lamang ng boto ang dalawang magkatunggali at nang matalo si Recto, awtomatikong siya na ang magiging lider ng minorya kasama sina Escudero at Trillanes.

Bukod kay Recto, bumoto kay Pimentel sina dating Senate President Franklin Drilon, Sens. Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, Leila de Lima, Joseph Victor Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe, Joel Villanueva, at Cynthia Villar.

Hindi naman dumalo si Sen. Alan Peter Cayetano na nauna ng nag-ambisyon para maging Senate President.

Ngayong Martes, magkakaroon ng distribusyon kung sino ang mamumuno ng mga komite sa Senado. (Leonel Abasola)