Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell ngayong Martes.

Sa ipinadalang kalatas ni Sherrie Ann Torres, communications officer ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Hulyo 26 magtatapyas ng 35 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel, 30 sentimos sa kerosene at 10 sentimos sa gasoline ang kanilang kumpanya.

Hindi naman nagpahuli ang Shell na nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo sa petrolyo bandang 6:00 ng umaga ngayong araw.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa ipinatupad na oil price rollback kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang bentahan ng diesel ay nasa halagang P25.45-P28.75 bawat litro samantalang P35.85-P42.45 sa gasolina. (Bella Gamotea)