Iniulat kahapon ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 6,973 ang kaso ng child abuse na naitala sa loob ng limang buwan ngayong taon.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa pagdami ng kaso.

Sa pagtataya ng PNP-Women and Children Protection Center (WCPC) sa Camp Crame, umabot sa 6,973 ang naitalang kaso.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kabilang dito ang mga kaso ng child prostitution, attempt to commit child prostitution, child trafficking, attempt to commit child trafficking, obscene publication, physical injuries/international mutilation, at iba pang uri ng pag-abuso.

Sinabi ni Chief Supt. Rosauro V. Acio, director ng WCPC, nakapagtala sila ng 4 na kaso child prostitution, 26 child trafficking, 4,110 physical injuries at 2,825 ang naitala sa “other acts of abuse.”

Kinumpirma naman ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo, na tumaas ang kaso ng child abuse sa bansa sa 2,147 kaso sa unang quarter pa lamang ng taon.

Lumabas kasi sa unang tatlong buwan ay mayroong 539 na kaso ng sexual abuse ng mga kabataan, sinundan ng 514 na kaso ng child neglect, abandonment na may 418 cases, sexual exploitation na may 233 kaso at trafficking na may 214 na kaso. (Fer Taboy)