Jolina copy copy

ANG totoong kapuri-puring hands-on mom ay si Jolina Magdangal, dahil ilang beses na namin siyang nakikita kasama ang pamilya habang namamasyal sa malls na ang TV host/actress mismo ang may hawak kay Pele o kaya ay siya ang nagtutulak ng stroller nito.

Hindi kami nagpapansinan ni Jolina isa’t kalahating dekada na yata, Bossing DMB at alam mo kung bakit, pero kung kinakailangan siyang purihin at isulat base sa nakikita o nalalaman namin ay ginagawa namin.

Yes, malayo pa lang ay nakita na namin sina Jolina, Pele, asawang si Mark Escueta at isang yaya sa isang sosyal na mall at ang mag-asawa talaga ang may hawak sa kanilang anak samantalang ang kasama nila ay bitbit ang mga gamit ng bata.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

At nu’ng magkakasalubong na kami ay nagkunwang hindi kami nakita ni Jolina o baka feeling lang namin kasi nga hindi kami nagbabatian, ha-ha-ha.

Anyway, naghahanap yata sila ng makakainan nu’ng makita namin sila kaya panay din ang libot nila tulad namin.

Parang mahilig mag-malling ang pamilya Escueta dahil sa tuwing makikita namin sila ay kasama lagi ang anak. Sabagay ito rin naman ang sinabi ni Jolina sa presscon ng Supet Twin diaper, never niyang iniwan si Pele sa bahay nila maski na may work siya.

‘Yan ang hands-on mom! (Reggee Bonoan)