Ni REY C. LACHICA

Mga laro Ngayon (Xinzhuang gym)

1 n.h. -- Japan vs Egypt

3 n.h. -- Iran vs US

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

5 n.h. -- Korea vs PH-Mighty Sports

7 n.g. -- Taiwan-A vs India

 

NEW TAIPEI CITY, Taiwan – Haharapin ng Philippine-Mighty Sports Apparels team ang Korea sa pagpapatuloy ng 38th William Jones Cup ngayon sa larong ayon kay coach Bo Perasol ay itutulad nila sa taktika ng Egyptian nang gapiin ang premyadong Koreans.

“We have to hit the Koreans where it will hurt them most – play smartly at the post in order to test their defense. That way, we can also check if they can handle our bigs,” sambit ni Perasol, habang pinangangasiwaan ang ensayo ng koponan para paghandaan ang ikalawang malaking laban.

Napapalaban ang Pinoy cagers sa Taiwan-A ngayong Linggo ng gabi.

Iginiit ni Perasol na kailangan nilang maging consistent sa depensa laban sa mabilis at deadly shooter na Korean sa kanilang duwelo ganap na 5:00 ng hapon.

Depensa ang naging puhunan ng Egyptians nang silatin ang Koreans, 74-73 nitong Linggo. Nagwagi naman ang Iran kontra Taiwan-B, 73-61, sa Xinzhuang gym. 

“Korea can match us up in size so we need to defend well against their outside shooters. If we can do that, we are going to have a better chance,” pahayag ni Perasol, patungkol sa markmen ng Korea na sina Lee Seong-Hyun, Byun Kihun, at Heo Il-Young – nagtumpok ang pinagsamang 38 puntos laban sa Egyptians.

Inaasahan ng Mighty Sports ang import na sina forward Troy Gillenwater, Al Thorton at Dewark Spencer, gayundin ang mga lokal na sina Sunday Salvacion, Leo Avenido at Jeric Teng ng Rain or Shine.

Makakatulong nila ang 7-footer Senegalese na si Hamady N’Diaye at dating Ginebra import Vernon Maclin, gayundin sina Zach Graham at Mike Singletary.

“Consistency is important is this kind of tournament, you can’t commit too many mistakes,” sambit ni Perasol.

“I have already challenged the boys to be very cautious, avoid silly mistakes to avoid getting into foul trouble.”