CALASIAO, Pangasinan - Tinutukan ng baril bago tinangay ng mga holdaper ang kinita sa bakery ng isang konsehal ng Binmaley, Pangasinan.

Sa nakuhang report kahapon kay Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, dakong 11:45 ng umaga nitong Biyernes at sakay sa tricycle si Rolando Ferrer, 59, konsehal sa Binmaley, para mag-deliver ng tinapay sa pag-aaring bakery nang harangin ng mga suspek sa Sitio Calit sa Barangay Banaoang, Calasiao.

Kalaunan, nanutok ng baril at nagdeklara ng holdap ang mga suspek hanggang sa matangay ang P4,000 cash na koleksiyon ng konsehal. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito