Nadakip ang isang lalaking kamakailan ay sumuko sa awtoridad matapos umaming drug pusher, sa anti-drug operation ng pulisya makaraang maaktuhan habang nagre-repack ng shabu sa Barangay Mabulo, Cebu City, iniulat kahapon.

Hulyo 17 nang sumuko si Nestor Maghanoy, ng Sitio Regla, Bgy. Mabolo, Cebu City, kaugnay ng ipinatutupad na Oplan Tokhang ng Cebu City Police Office (CCPO).

Ayon sa report ni Senior Supt. Joel Doria, director ng CCPO, sa panibagong operasyon ng pulisya sa barangay ay naaktuhan nila si Maghanoy habang nagre-repack ng shabu.

Nasamsam ng pulisya mula sa suspek ang 70 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P800,000, drug paraphernalia, at P25,000 cash. (Fer Taboy)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril