Kapag nagpositibo sa ilegal na droga, sibak agad ang haharapin ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ito ang babala ni BFP-National Capital Region (NCR) Director Chief Superintendent Leonard Banago, matapos isailalim sa sorpresang drug test ang 81 BFP personnel sa idinaos na command conference sa Quezon City.
Kabilang sa mga sumalang sa drug test ang City at District Fire Marshals, District Fire Safety Enforcement Section Chief, at Regional Directorial staff.
“BFP-NCR has no place for personnel who are involved in illegal drugs. If anyone is found positive for drugs, they may face summary dismissal proceedings and will be booted out from the service,” ani Banago.
Idinagdag pa nito na magpapatuloy ang mandatory at random drug testing sa kagawaran, kung saan susuriin ang lahat ng 3,200 kawani nito.
Binigyang diin ni Banago na dapat ay maging good example at model ng kanilang staff at constituents ang city at district fire marshals. (Chito A. Chavez)