Binalaan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon noong Biyernes ang mga kurakot sa kagawaran, kung saan personal umano itong ‘papatay’, kung ito lang ang paraan para maputol ang korapsyon sa ahensya.

Sa panayam ng GMA-7, sinabi ni Faeldon na hindi naman siguro siya kokondenahin ng taumbayan kung ‘papatayin’ niya ang ‘idiots’ sa BOC.

Sa report, pinulong na ni Faeldon ang Customs officials at mga karaniwang empleyado matapos makatanggap ng report na talamak ang korapsyon sa ahensya. Dito na umano nag-umpisang magbanta si Faeldon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“If I have to kill one of your officials, every opportunity I get, I will do that if that is the only way you want to reform this Bureau,” ani Faeldon.

Nilinaw naman nito na ang mga posible lang na mapatay ay ang mga mahuhuli sa akto at lalaban sa isasagawang pag-aresto.

Sinabi ni Faeldon na P300 milyon kada araw ang nawawala sa pamahalaan dahil sa matinding korapsyon sa BOC, dahilan upang magkaroon ito ng reputasyon bilang “most corrupt” sa hanay ng mga tanggapan ng pamahalaan.

(Argyll Cyrus B. Geducos)