BUTUAN CITY – Isang lalaking sangkot sa ilegal na droga ang sumuko nitong Huwebes sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at pulisya, bitbit ang 3,200 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, sa Barangay Kasapa 1, Loreto, Agusan del Sur.

Kinilala ni Senior Insp. Charity S. Galvez, hepe ng Regional Public Information Office (RPIO) ng Police Regional Office (PRO)-13, ang sumuko na si Roberto Manlumisyon, alyas “Popoy”, 49, ng Sitio Mactan, Bgy. Kasapa 1, Loreto.

Umaabot sa P176,000 ang kabuuang halaga ng marijuana na isinuko ni Manlumisyon, na nasa drug watchlist ng Loreto Municipal Police.

Sumumpa si Manlumisyon sa harap ni Loreto Mayor Ligaya Otaza na hindi na siya kailanman masasangkot sa ilegal na droga. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito