Nagkasya lamang ang Pilipinas sa ikaapat na puwesto matapos mabigo kontra Indonesia, 12-25, 21-25, 17-25 sa bronze medal match ng 19th Princess Cup Southeast Asian Women's Under-19 Championship nitong Miyerkules, sa Si Sa Ket, Thailand.

Matapos masibak sa championship round ng Vietnam, 14-25, 16-25, 18-25, natikman ng mga Pinay ang ikatlong sunod na kabiguan sa torneo.

Naging pampalubag loob sa Nationals ang nakamit na ‘Best Libero’ award ni Kathleen Arado ng University of the East.

Sa kabila ng kabiguan, ipinagmalaki ni Team Phlippines manager Peter Cayco ang naabot na Final Four ng koponan na nakapaghanda lamang sa loob ng tatlong linggo.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

"It's not that bad finishing in the upper half of the standings considering that this is a young team and we have little time to prepare," sambit ni Cayco. (Angie Oredo)