RIO DE JANEIRO (AP) – Muling pinabuksan ng World Anti-Doping Agency nitong Miyerkules ang laboratoryong gagamitin sa drug testing para sa Rio de Janeiro Olympics, dalawang linggo bago ang opening ceremony.

Sinara ang laboratoryo noong nakaraang buwan dahil ayon sa WADA, hindi ito sumusunod sa International Standard for Laboratories.

Sa pahayag ng WADA nitong Miyerkules, ang Rio laboratory ``has successfully complied with the ISL’s requirements for reinstatement and no further suspension is required.’’

Magiging kaluwagan sa local organizers at sa International Olympic Committee ang pahayag na ito na magpipilit na magpadala ng libu-libong samples sa iba’t ibang bansa para sa pagsusuri.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Athletes can be confident that anti-doping sample analysis has been robust throughout the laboratory’s suspension, and that it will also be during the Games,’’ pahayag ni WADA Director General Olivier Niggli.

Dagdag pa ni Niggli, ‘titingnan nang mabuti’ ang lahat ng patatakbuhing laboratoryo sa pagbubukas ng Olympics sa Agosto 5. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)