Nabigong makausad sa kampeonato ang Philippines Under 19 volleyball squad matapos madomina ng Vietnam, 25–14, 25–16, 25–18 sa cross-over semi-finals ng 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s Under-19 Championship kahapon, sa Si Sa Ket, Thailand.

Haharapin ng Pilipinas ang Indonesia, nabigo laban sa powerhouse Thailand, para sa bronze medal.

Pinamunuan ni Jasmine Nabor na nagtala ng 14 na puntos mula sa kanyang 12 spike at dalawang block ang Pilipinas, subalit hindi ito naging sapat para madiskaril ang Vietnamese.

Nag-ambag sina Trisha Mae Genesis at Mary Anne Mendrez ng walo at anim na puntos, habang may limang puntos si Jeannette Virginia Villareal para sa pambansang koponan. (Angie Oredo)

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline