Hindi na nagawa pang maisilbi ng awtoridad ang bitbit na search warrant matapos makipagbarilan ang umano’y drug pusher na ikinamatay nito sa Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

Patay na nang dalhin sa Las Piñas District Hospital ang suspek na si Ruben Rivera, alyas “Ben”, nasa hustong gulang, residente ng No.86-B,

Luzviminda St., Barangay CAA ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na natanggap ni Las Piñas City Police Chief Senior Supt. Jemar Modequillo, dakong 9:45 ng gabi kamakalawa magsisilbi sana ng search warrant ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) at Police Community Precint (PCP)-4 sa tirahan ng suspek.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Ngunit sa halip na sumuko, ayon sa pulisya, bumunot ng baril ang suspek at agad pinaputukan ang mga pulis kaya’t napilitang gumanti ang mga ito hanggang sa duguang bumulagta si Rivera.

Narekober ng awtoridad sa pinangyarihan ang isang caliber .357 revolver, mga bala ng baril, apat na sachet ng shabu, at 20 sachet ng marijuana. (Bella Gamotea)