Binanatan kahapon ni Rep. Alfredo Vargas III (5th District-Quezon City) ang mga tao na naglabas ng video na tumutukoy sa kanya bilang big time drug lord na si Herbert “Ampang” Colangco.

Sa video na naging viral sa social media, makikita si Senator Leila De Lima na kumakanta sa kanyang birthday party at sinasabi sa voiceover na ang inaawitan ng senadora ay ang big time drug lord na protektado niya. Ngunit ang makikita sa background video ay si Vargas at hindi si Colangco.

“I just want to make it clear that it was me in that video and not Mr. Herbert Colangco. I had sore eyes during that time so I had to wear sunglasses. It was a simple case of mistaken identity, perhaps because the video was blurred,” paliwanag ni Vargas. - Bert de Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador