BRASILIA (Reuters) – Sinabi ng intelligence agency ng Brazil noong Martes na iniimbestigahan nito ang lahat ng banta “particularly those related to terrorism” sa Rio Olympics sa susunod na buwan matapos sumumpa ang ipinapalagay na isang Brazilian Islamist group ng alyansa sa Islamic State (IS) halos tatlong linggo bago ang Games.

Iniulat ng SITE Intelligence Group, sumusubaybay sa Internet, na sinabi ng grupo na nagpakilalang “Ansar al-Khilafah Brazil” sa Telegram messaging app noong Linggo na tagasunod ito ni IS leader Abu Bakr al-Baghdadi at ikinakampanya ang IS propaganda sa Arabic, English at Portuguese.

Magsisimula ang Games sa Agosto 5 at inaasahang aakit ng mahigit 500,000 banyagang bisita.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina