Inatasan ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsumite ng salvage plan ang Harbour Star na inupahan para alisin ang tumagilid na MV Capt. Ufuk sa Manila Bay.

Ayon kay Commander Armand Balilop, tagapagsalita ng PCG, idedetalye sa salvage plan ang mga hakbang kung paano maayos na maiaalis ang naturang barko upang hindi makasagabal sa ligtas na pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat.

Nilinaw naman ng PCG na walang tumagas na langis mula sa barko dahil simula pa noong 2009 ay hindi na ito bumiyahe matapos isailalim sa kustodiya ng Bureau of Customs nang makuhanan ng matataas na kalibre ng baril at kinasuhan ng gun smuggling ang may-ari nito. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'