Naistranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang lampas isangdaang delegado ng 31st World Youth Day nang kanselahin ang mga flight sa Istanbul dahil sa naganap na kudeta sa Turkey.

Dapat ay sasakay na ng eroplano noong Sabado dakong 9:30 ng gabi ang mga delegado mula sa Archdiocese of Manila nang makansela ang flight, ayon sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“They can’t fly tonight but they were told that the airline will find a way so they can leave,” ani Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na dumalo naman sa Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa UST sa Maynila noong Sabado ng gabi.

Sa iba pang ulat, nanawagan din si Tagle ng dasal para sa Turkey na dumanas ng kudeta, mga biktima ng terorismo sa France, Baghdad at Bangladesh.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

“There are young people in France and Turkey who want to celebrate something like  this but they can’t do it. Let’s pray for them,” ayon sa Church leader.

Sa July 26, umaabot sa 1,500 kabataang Filipino ang makikipagpartisipa sa World Youth Day na dadaluhan ni Pope Francis sa Krakow, Poland. - Christina I. Hermoso