TOKYO (AFP) – Nag-emergency landing ang isang eroplano ng Hawaiian Airlines sa Tokyo noong nitong Lunes ng umaga, pumutok ang gulong nito na nagbunsod ng pagpapasara ng runway at pagkakansela ng ilang flight. Walang nasaktan, iniulat ng local media.
Bumalik ang Flight HA 458, umalis sa Haneda airport ng Tokyo dakong hatinggabi patungong Honolulu, sa Japan matapos magpahiwatig ang cockpit signs ng abnormality sa hydraulics system nito.
Nag-emergency landing ang Airbus 330 sa isa sa mga runway ng Haneda dakong 1:30 am (1630 GMT). Walang nasaktan sa 293 pasahero at crew member nito. Pumutok ang walo sa 10 gulong ng jet habang papalapag at tumagas ang langis sa runway.