PINATULAN ng mag-inang Sunshine Cruz at Angelina Montano ang akusasyon ng isang basher na hindi anak ni Cesar Montano si Chesca Montano.

If I know, tuwang-tuwa ang basher na pinag-aksayahan siya ng panahon ng aktres at panganay nila ni Cesar.

“TO THE PEOPLE ACCUSING THAT CHESCA ISN’T THE REAL DAUGHTER OF MY DAD, ARE YOU GUYS SERIOUS!!!” comment ni Angelina sa Twitter at sinundan ng “CHESCA LOOKS EXACTLY LIKE OUR DAD, WHO THE HELL IN THEIR RIGHT MIND CAN ACCUSE HER OF SOME THING THAT BOGUS???”

Sabi naman ni Sunshine, “we both know who made those bogus accounts. Sad that they aren’t happy with what happened. Take it easy. Love you three.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, sumagot sa kuda ng netizen na makipag-ayos na sa pamilya Yulo

Ang tinutukoy ni Sunshine na “what happened” ay ang pagkikita nina Cesar at tatlo nilang anak sa isang restaurant sa Resorts World na ikinatuwa ng mga nagmamahal sa Montano family. (Nitz Miralles)