Gonzales, unang sasabak sa Davis Cup.

Pamumunuan ni Ruben Gonzales ang matinding hangarin ng Cebuana Lhuillier-Philippine Davis Cup team na makapaghiganti sa pagsisimula ngayon ng Asia/Oceania Group 2 Semifinal tie kontra Chinese Taipei, sa Philippine Columbian Association shell courts.

Makikipagpaluan si Gonzales kontra sa Taiwanese No. 1 na si Chen Ti sa una sa dalawang paglalabanang singles, habang sasasagupain ng Filipino top player Francis Casey Alcantara ang dumadayo na No. 2 na si Huang Liang-chi sa rubbermatch na magsisimula sa ganap na 3:00 ng hapon.

Ang Wimbledon semifinalist na si Treat Huey at Jeson Patrombon ang sasagupa kontra Hung Jui-chen at Wang Chieh-fu sa importanteng doubles match na nakatakda Sabado. Sina Gonzales at Alcantara ay magpapalit ng kalaban sa Linggo sa gaganapin na reverse singles.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ikinatuwa ni non-playing captain Karl Santamaria ang resulta ng draw nitong Huwebes na pinamunuan mismo ni Philippine Tennis Association’s incoming president Salvador “Buddy” Andrada at ni executive vice president Manuel Misa.

Sinaksihan naman nina ITF referee David Smith at Philta vice president at Davis Cup administrator Randy Villanueva ang draw ceremony para sa torneo na suportado ng Cebuana Lhuillier, Philippine Sports Commission, Yonex bilang official outfitter at Toby’s Sports bilang official stringer.

“We have a very versatile lineup of players and I’m confident they can play well in both doubles and singles,” sabi ni Santamaria sa pagpapaliwanag sa ginawang shuffle na nag-angat kay Alcantara bilang siyang No. 1 player.

Sinabi ni Alcantara, na halos naglalaro sa doubles at noong 2009 Australian Open ay nagawang magwagi sa juniors doubles title kasama ang Taiwanese partner na si Hsieh Cheng-peng, na malaking hamon sa kanya ang tiwala na ibinigay sa kanya sa pagsasabi na “will be out there fighting.”

Sinabi naman ni Chinese Taipei non-playing captain Chiang Jin-yen na ang Pilipinas ay may mahuhusay na doubles player subalit mayroon naman silang matitibay na singles players.

Ang 32-anyos na si Chen ay ranked 226th sa singles at 140th sa doubles. Parte ito sa tatlong beses na pagwawagi ng mga Taiwanese kontra sa Pilipinas.

“Yeah they are ranked higher than us but in Davis Cup anything can happen,” sabi lamang ni Gonzales na katatapos lamang magwagi ng titulo sa doubles sa ITF Futures sa France.

Una nang nagwagi ang Pilipinas sa unang apat nitong paghaharap kontra Chinese Taipei subalit tatlong sunod din sa huling paghaharap na nabigo na ang pinakahuli ay ang 3-2 desisyon sa Kaohshiung noong nakaraang taon.

“You have the advantage of the home court and the shell courts, that’s what we will make adjustments,” sabi lamang ni Chiang.

Ang mga Taiwanese rin ang nagpalasap ng masakit na kabiguan sa mga Pilipinong netter matapos ihulog sa kinaanibang Group 1 noong 2011 Group 1 relegation tie, sa Plantation Bay sa Cebu.