TROON, Scotland (AP) — Mahigit isang dipa lamang ang layo ni Phil Mickelson para sa kasaysayan na tanging siya lamang ang nakagawa – sa kasalukuyan.

Ngunit, hindi pa siya nakatadhana.

Tama ang lakas, ngunit, kinapos ang gapang ng bola para maisalpak ni Mickelson ang huling putt na nagbigay sana sa kanya ng karangalan bilang kauna-unahang golf player na nakaiskor ng 62 sa 156 taon ng major championship.

“I want to cry,” pahayag ni Mickelson sa nakawalang pagkakataon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabila nito, ang natipang eight-under 63 ay sapat na para makopo ni Mickelson ang liderato sa unang round ng British Open.

“You made a beautiful read and putt on that last hole but got absolutely stone-cold robbed,” pahayag ni golf icon Jack Nicklaus sa kanyang mensahe sa Facebook.

Natakpan ng kamay ni Mickelsona ng kanyang bibig para mapigilan ang sigaw ng panghihinayang nang sumablay ang kanyang record-putt.

“It was one of the best rounds I’ve ever played ... and yet I want to shed a tear right now. That putt on 18 was an opportunity to do something historical. I knew it, and with a foot to go I thought I had done it. I saw that ball rolling right in the center. I went to go get it. I had that surge of adrenaline that I had just shot 62, and then I had the heartbreak that I didn’t,” pahayag ni Mickelson.

Wala namang dapat ikalungko sa Royal Troon dahil tangan niya ang tatlong stroke na bentahe kina Patrick Reed at Martin Kaymer.

Humarap ang pagkakataon kay Mickelson nang ma-birdie ang par-5 16th mula sa tira sa bunker , gayundin ang 15 feet birdie sa par-3 17th para makuha ang iskor na 8-under par.

Wala pang golfer na nakaiskor ng 62 sa major at handa na siyang angkinin ang pedestal na hindi nagawa ng mga naunang legend sa green. Ngunit, sablay si Mickelson.

“That would have been really something special,” aniya.

“So to have that putt lip out, that’s going to sting for a while.”

Nauunawaan ni Nicklaus ang damdamin ni Mickelson dahil maging siya ay nakaranas din ng pagkakataon noong 1980 US Open sa Baltusrol, gayundin si Greg Norman noong 1986 sa Turnberry.