SENTRO sa kasalukuyang pagbaka kontra sa ilegal na droga ang mga tiwaling pulis na tumatanggap ng “protection money” sa mga sindikato o kasosyo sa negosyo ng pagtutulak.

Ibinunyag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang pangalan na retirado at kasalukuyang mga heneral sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa aking “kaibigan”, ang lagayan ‘di umano ay aabot sa P2 milyon hanggang P1 milyon, buwan-buwan. May ilang komentarista sa radyo sa Cebu, kasama si dating Gobernador Gwen Garcia ang nakapansin na noong panunungkulan ng isa sa dawit na pangalan na pulis, kadalasang operasyon ng PNP ay kontra swertres at video karera.

Ang mga ito ang laging nasasampahan ng kaso sa piskalya. Pagdating sa droga at shabu laboratories, ayon sa “mataas na opisyal”, problema yan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapansin-pansin na hindi nahahambalos sa giyera kontra ilegal na droga ang kapatid na ahensiya ng PNP: ang Bureau of Jail and Management Penology (BJMP).

Ito ‘yung nagbabantay at nagpapatakbo sa mga pambansang piitan na nakakalat sa bansa. Paano ito nakalulusot sa bigwas kontra katiwalian?

Bagamat makailang ulit na pinahagingan ni Pangulong Duterte ang National Penitentiary, sa Muntinlupa bilang lungga at pagawaan ng shabu sa bansa, panahon na rin upang pagsisibakin ang mga tiwaling opisyal at guwardiya ng BJMP na halatang tumatanggap ng “lagay” sa mga drug lord na nakakulong doon.

Kailangan din silang ipakilala bilang pabaya sa tungkulin, kung ‘di man ay nagtaksil sa kanilang pangako na magiging matapat at walang pag-iimbot na maglilingkod sa bayan.

Kahit pangalanan pa ang dating jail administrator dahil nagmistulang mga bulag, pipi, at bingi sa itinayong pabrika ng shabu sa loob ng Pambansang Kulungan!

Isama sa listahan ang mga guwardiya na isinangla rin ang kanilang uniporme kapalit ng buwanang sustento. Sila ang nagpapapasok sa mga ilegal na gamit para magluto ng shabu.

Sila ang nagpapalusot sa labas-masok na mga bisita ng preso na ang pakay ay makakuha ng “supply” mula sa loob upang makapagtulak sa labas.

Sila rin ang puno’t dulo kung bakit may cell phone ang mga drug lord na ang layunin ay maipagpatuloy ang negosyo sa droga at magpatumba ng kalaban; magpatong ng pabuya sa bagong Pangulo; magkaroon ng armas, karaoke, aircondition, private pool at pagpapasok ng mga bayarang babae, at iba pa. (Erik Espina)