LOS ANGELES (AP) — Naibenta ang Ultimate Fighting Championship (UFC) sa Hollywood talent agency WME-IMG sa halagang $4 billion.

Kinumpirma ni UFC President Dana White ang pagbenta ng pamosong mixed martial arts promotional company sa mensahe sa text sa Associated Press nitong Lunes (Martes sa Manila).

Inihayag din ni WME co-CEO Ari Emanuel ang naturang bentahan sa email message sa SNTV — pagmamay-ari ng Associated Press at IMG.

“We’ve been honored to have UFC and a number of its athletes as clients and couldn’t be happier to take our relationship to this next level as the organization’s owner and operating partner,” pahayag ni Emanuel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mananatili naman sa kanyang posisyon si White sa UFC, pinakamalaking MMA promotion sa mundo.

Sinibak naman sa kanilang mga posisyon sina dating UFC owner Lorenzo at Frank Fertitta, ngunit mananatili silang “minority owner”. Hawak pa rin ng Abu Dhabi government ang 10 porsiyento sa pagmamay-ari sa UFC.

“UFC has experienced tremendous growth over the last decade and we are looking forward to helping the organization and its athletes identify new opportunities to develop and further establish their global footprint,” sambit ni Emanuel.

Nagsimula ang UFC noong 1993 bago binili ng magkapatid na Fertitta at sa pangangasiwa ng tatlo, umangat ang popularidad ng UFC at ngayon ay isa nang kinahuhumalingang sports sa mundo.

Sa kasalukuyan, nasa pangangasiwa ng UFC ang 500 fighter, sa pangunguna ng star na sina Conor McGregor, Brock Lesnar at Ronda Rousey. Nagsasagawa ang UFC ng 40 event kada taon at ipinalalabas sa 150 bansa para sa kabuuang 1.1 bilyon pay-per-view.