AUBURN HILLS, Michigan (AP) — Pinalakas ng Detroit Pistons ang kanilang frontline sa pagkuha sa serbisyo ng 7-foot-3 na si Boban Marjanovic nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Lumagda ang dating San Antonio Spurs center ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $21 million.

“He’s somebody that we think gives us a totally different dimension,” pahayag ni Pistons president at coach Stan Van Gundy.

Isasabay ng Pistons si Marjanovic kay star player 6-foot-11 center Andre Drummond.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

Sa Los Angeles, kinuha ng Clippers si free agent Marreese Speights, miyembro ng 2015 NBA Champion Golden State Warriors.