CAMP PRESIDENT QUIRINO, Ilocos Sur – Patay ang isang ginang matapos siyang barilin ng lasing niyang asawa sa Barangay Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Maricel Racadio Ullero, 32, na binawian ng buhay habang ginagamot sa isang ospital dahil sa matitinding tama ng bala na kanyang natamo.

Agad namang naaresto si Nelson Ullero, 39, magsasaka, matapos ang insidente.

Napaulat na nangyari ang pamamaril dakong 7:50 ng gabi, at gumamit ang suspek ng homemade na 12-gauge shotgun, na nabawi rin ng awtoridad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naniniwala ang pulisya na nagkaroon ng away ang mag-asawa dahil na rin sa kalasingan ng suspek. (FREDDIE G. LAZARO)