Brock Lesnar (AP)
Brock Lesnar (AP)
LAS VEGAS (AP) — Hindi kinalawang si Brock Lesnar mula sa mahigit apat na taong pamamahinga para makamit ang unanimous-decision kontra Mark Hunt, habang tinanghal na bagong women’s bantamweight champion si Amanda Nunes sa dominanteng first-round stoppage kontra kay Miesha Tate sa UFC 200 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nakopo naman ni Jose Aldo ang interim featherweight title via competitive decision kontra kay Frankie Edgar sa UFC’s star-studded landmark show.

Nadomina rin ni Daniel Cormier si Anderson Silva, sumabak bilang kapalit ng nasuspindeng si Jon Jones bunsod ng pagpositibo sa doping test.

Kung kamangha-mangha ang panalo ni Nunes kay Tate sa main event, pinakahihintay ng MMA aficionado ang laban ni Lesnar (6-3). Naitala niya ang kauna-unahang panalo mula noong Hulyo 2011.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tinanghal ang Brazilian na si Nunes (14-4) bilang ikaapat na naging kampeon sa UFC’s 135-pound belt sa nakalipas na walong buwan matapos masilat ang dating kampeon na si Ronda Rousey ni Holly Holm. Natalo si Holm kay Tate nitong Marso at nabigong maidepensa ang korona sa magilas na si Nunes.

Duguan at hindi na nakabawi si Tate sa rear naked choke ni Nunes, may 3:16 sa first round.

“I’ve worked so hard for this moment in my life,” sambit ni Nunes.

“I feel amazing.”

Naiuwi ni Lesnar ang UFC-record $2.5 million guaranteed purse para sa kanyang unang laban mula nang matalo sa kanyang heavyweight title fight noong 2011.