murray copy

Ikalawang Wimby title, nakubra ni Andy Murray.

LONDON (AP) — Para sa bansa ang unang Wimbledon championship ni Andy Murray.

Sa ikalawang pagkakataon, iniaalay niya ito sa sarili.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Laban sa masigasig na karibal, nagpamalas ng katatagan at kahusayan sa kabuuan ng laro ang British tennis hero para maitarak ang 6-4, 7-6 (3), 7-6 (2), panalo kontra Milos Raonic ng Canada para makamit ang ikalawang Wimbledon title at ikatlong Grand Slam nitong Linggo (Lunes sa Manila), sa All England Club.

Noong 2013, tinapos ni Murray ang 77 taong pagkauhaw ng Great Britain sa Wimbledon championship.

Ngayong season, nagpursige siya para makabawi mula sa tatlong sunod na kabiguan sa major finals kabilang ang Australian Open noong Enero at French Open nitong Hunyo.

“It is different. I feel happier this time. I feel more content this time. I feel like this was sort of more for myself more than anything, and my team as well,” pahayag ng second-seeded na si Murray.

“Last time, it was just pure relief, and I didn’t really enjoy the moment as much, whereas I’m going to make sure I enjoy this one.”

Ito ang ika-11 Grand Slam final ni Murray, ngunit kauna-unahan kontra sa player maliban sa suki niyang sina Novak Djokovic at Roger Federer. Pinatalsik ng sixth-seeded na si Raonic si Federer sa five sets sa semifinals nitong Biyernes. Nauna rito, tinalo niya si Sam Querrey, ang gumapi kay Djokovic, sa ikatlong round.

Ang malaking panalo ang nagsilbing pundasiyon ni Raonic para maging kauna-unahang Canadian na nakalaro sa finals ng major championship.

“This one’s going to sting,” ayon kay Raonic.

Sa kabila ng samu’t saring isyu na kinakaharap ngayon ng Britain, nagawang magbiro ni Murray sa trophy presentation.

“Playing in a Wimbledon final is tough, but I certainly wouldn’t like to be a prime minister. It’s an impossible job,” aniya.

Natupad ng 29-anyos na si Murray, pambato ng Scotland, ang matagal nang dalangin ng bayan na matuldukan ang dekadang kabiguan ng Briton sa Wimby mula nang magwagi si Fred Perry noong 1936.

“To do it twice here. An event where there is a lot of pressure on me to perform well — I’m very proud with how I’ve handled that over the years,” pahayag ni Murray.