PANTABANGAN, Nueva Ecija - Dalawang tama ng bala ng baril ang ikinasawi ng isang 45-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Macasandal Bridge sa Purok 6, Barangay West Poblacion sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Roderick N. Corpuz, OIC chief ng Pantabangan Police, ang biktimang si Ricardo Samson y Barcelo, may asawa, heavy equipment operator, ng Bgy. East Poblacion. Siya ay number two drug pusher sa tala ng pulisya.

Sakay sa kanyang motorsiklo (3827-SR) ang biktima nang tambangan ng mga hindi nakilalang salarin at malapitang pinagbabaril dakong 5:20 ng hapon. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog