LONDON (AP) – Nabigo si Filipino-American Treat Huey at Max Mirnyi sa tambalan nina top-seed Frenchmen Pierre-Hugues Herbert at Nicolas Mahut, 6-4, 3-6, 6-7, 6-4, 6-4, nitong Biyernes (Sabado sa Manila), sa semifinal ng men’s doubles sa Wimbledon.

Nakapanghihinayang ang kabiguan nina Huey at Mirnyi, na abot-kamay na ang panalo matapos makuha ang third set, ngunit nabigo sa huling dalawang set sa pahirapang laban.

Nakausad ang tambalan nina Huey at Mirnyi sa Final Four nang gapiin ang tambalan nina Oliver Marach ng Australia at Fabrice Martin ng France, 6-3, 6-2, 7-6.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!