pagara copy

SAN MATEO, CA. (Philboxing.com) – Hanggang sa kahuli-hulihang detalye, kabisado ni Pinoy WBO Inter-Continental super bantamweight champion “Prince” Albert Pagara ang istilo ng kanyang challenger na si Cesar Juarez ng Mexico.

“Nakuha na namin yong style niya, hindi kami kabado,” pahayag ni Pagara sa isinagawang media conference para sa kanyang pagdepensa laban sa fighter na nagpahirap sa kababayang si Nonito Donaire, Jr.

Itataya ni Pagara ang korona sa Pinoy Pride 37: Firsts of the Future sa Sabado (Linggo sa Manila), sa San Mateo Event Pavillon dito.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Iginiit ni Pagara na malayung-malayo ang level niya sa istilo ni Juarez kung kaya’t walang dapat ipangamba ang kanyang mga kababayan.

Hindi matatawaran ang istilo ni Juarez nang makasagupa ni Donaire noong 2012 kung saan nahirapan ang four-division world champion na hulihin ang Mexican bago nakalusot sa decision.

Sinabi ni Edmund Villamor, trainor ni Pagara, na nakahanda ang kanilang Plan B sa sandaling hindi maging epektibo ang kanilang inisyal na plano.

“We have a Plan B if he changes his approach to the fight,” pahayag ni Villamor. “We will see it during the actual fight and adjust accordingly,” aniya.

Tulad ni Pagara, nagpahayag din ng kumpiyansa si Juarez na sinabing hindi niya papayagang muling magtamo ng kabiguan sa Pinoy. Hiniling din niya ang rematch kay Donaire.

“I want to prove that I can beat Donaire. I want a rematch,” aniya.

Sa main supporting bout, mapapalaban ang nakababatang kapatid ni Albert na si WBO No. 1 junior welterweight Jason “El Nino” Pagara (38-2-0, 23KO) kontra Mexican opponent na si Abraham Alvarez (21-9-1, 10KO).

“I will live and die in the ring,” pahayag ni Alvarez.