Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya copy

ANG Encantadia pala ang ipapalit sa magtatapos nang Poor Señorita, kaya ito na ang makakatapat ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Tsika sa amin ng taga-GMA, handa na nilang tapatan si Probinsyano.

Biro namin, pang-ilang programa na ang Poor Señorita na tumapat sa FPJ’s Ang Probinsyano na halos lahat ay nakakuha ng poor ratings at hindi kinayang talunin ang 46%, 44% at 42% over-all ratings ng aksiyon-serye nina Coco, Pepe Herrera, Maja Salvador, Arjo Atayde, John Prats, Marc Solis, at Ms. Susan Roces?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakahanda naman ang Probinsyano sa bagong makakatapat programang makakatapat nila, ayon sa tinanong naming taga-Dos at idinugtong na masaya ang management sa resulta nito at sa magagandang feedbacks buhat sa manonood at advertisers na nag-aagawan ng slot sa programa kesehodang tumaas pa ang ad rate nito dahil na rin sa consistent high ratings.

Do we need to say more, sey pa ng kausap namin. 

Sabi nga, a teleserye within a teleserye ang Ang Probinsyano kaya hindi makabitiw ang viewers sa pagsubaybay nito.

(Reggee Bonoan)