Pinabuksan na ng bagong kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang main gate ng kagawaran upang tuluyang makapasok ang mga grupo ng magsasakang magpoprotesta laban sa gobyerno.

Ipinasya ni bagong DAR Secretary Rafael “Paeng” Mariano na tanggalin ang nasabing main gate na itinuturing niyang “sagabal” sa pag-uusap sa pagitan ng kagawaran at ng mga nagpoprotestang magsasaka.

Ang naturang gate, na isinara sa nakalipas na 18 taon, ay nilagyan pa ng barikada upang mahadlangan ang mga magsasaka na nais pumasok sa loob ng kagawaran para maisagawa ang kanilang kilos-protesta.

Pagbibigay-diin ng kalihim, ang pagpapabukas niya sa main gate ng DAR ay sumisimbolo sa malinis na intensiyon ng kagawaran sa mga pinaglilingkuran nito, partikular na ang mga magsasaka.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Mariano ay dating leader ng militanteng grupo na Anakpawis, na kabilang sa mga raliyista na madalas magsagawa ng protesta sa harap ng gusali ng DAR sa Elliptical Road sa Diliman, Quezon City. (Rommel P. Tabbad)