NASUGBU, Batangas - Patay ang isang security guard matapos umano siyang mapatay ng sarili niyang anak habang sila ay nag-iinuman sa Nasugbu, Batangas.

Tinamaan ng bala sa noo si Ricky Cortez, 39, taga-Barangay Banilad sa naturang bayan.

Nakatakas naman ang suspek at anak niyang si Marjon Sabran, taga-Quezon City.

Ayon sa report ni PO3 Ramon Sale, dakong 8:00 ng gabi nitong Hulyo 3 at nag-iinuman ang mag-ama kasama ang iba pa nang magkaroon umano ng alitan ang dalawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa gitna ng pagtatalo, nabaril umano ng suspek ang ama gamit ang isang .9mm na baril.

Dead on arrival sa Apacible Memorial District Hospital si Cortez, habang pinaghahanap pa ang suspek. (Lyka Manalo)