Ni NITZ MIRALLES 

Jasmine Curtis
Jasmine Curtis
HINDI na nagpa-interview si Jasmine Curtis-Smith pagkatapos ng grand presscon ng Imagine You & Me. 

Nawala agad ito, pero bago na naman kuyugin ng ibang fans na hindi raw siya tumutulong sa pagpo-promote ng kanilang pelikula na showing na sa July 13, nag-post ng picture si Jasmine sa Instagram, kasama sina Alden Richards, Maine Mendoza, Kakai Bautista, Cacai Cortez at Direk Mike Tuviera.

In fairness, nabawasan na ang haters ni Jasmine at may mga nag-a-I love you na sa kanya na AlDub Nation fans. May mga excited na rin siyang mapanood sa AlDub movie, so, hindi lahat ng fans nina Alden at Maine ay galit sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa July 12, ang premiere night ng Imagine You & Me bago ang regular showing, siguro naman darating si Jasmine at para malaman na rin ng moviegoers ang kanyang role.

Samantala, mukhang seryoso na ang relasyon nina Jasmine at Jeff Ortega dahil sa oathtaking ng relatives ni Jeff na nanalo sa La Union, kasama sa Ortega family si Jasmine. Belong na belong na si Jasmine sa pamilya ng boyfriend at natawa kami sa comment ng isang netizen na gusto ni Anne Curtis ang nangyayari sa love life ng kapatid.