MOSCOW (AP) — Pormal nang umapela ang Russia para maalis ang ban na ipinataw sa athletics team sa Rio Olympics bunsod ng doping.

Ipinahayag ni Russian Olympic Committee spokesman Konstantin Vybornov sa Associated Press na isinumite na nila ang apela sa Court of Arbitration for Sport at inaasahang didinggin ito sa Hulyo 19.

Sakaling manaig ang apela ng Russia, palalawigin ang deadline para sa entry by name sa Olympics, ayon kay ROC’s legal department head Alexandra Brilliantova.

Sinuspinde ng IAAF, ang world governing body sa athletics, ang Russia bunsod ng detalyadong imbestigasyon ng World Anti-Doping Agency na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa doping results ng mga atleta sa Russian state-sponsored doping laboratory.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“A case has been filed at CAS today and a hearing date of 19 July set. We believe the deadline for team submissions should fit with this timeline,” pahayag ni IAAF sa Associated Press sa pamamagitan ng e-mail.