LONDON (AP) — Umusad na sa third round sina major champion Novak Djokovic at Roger Federer, ngunit may 24 pang laban sa opening round ang hindi natatapos sa first round ng Wimbledon.

Kabilang sa laban na hindi pa nakakaisang puntos bunsod ng pag-ulan ang duwelo sa pagitan nina No. 11 Timea Bacsinszky at No. 31 Kristina Mladenovic sa women’s single.

Nagsimula na rin ang ilan laban sa men’s single, ngunit 12 pang duwelo ang hindi pa nakukumpleto.

Natapos lamang ang laban nina top American at 18th-seeded John Isner kontra kay Marcos Baghdatis sa isang set.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang ituloy ang laban sa Huwebes (Biyernes sa Manila) kung aaliwalas ang panahon.

Nasa ikalawang set naman ang laban nina Mikhail Youzhny at Horacio Zeballos.

Sa kabuuan, 28 players ang umaasang makalalagpas sa first round match sa Huwebes.

Bunsod nang walang humpay na pag-ulan, napagdesisyunan ng organizer na paiksiin ang first round sa men’s double sa best-of-three mula sa best-of-five.