COPENHAGEN, Denmark (AP) – Sinamsam ng Danish police ang mahahalagang gamit ng mga migrante sa unang pagkakataon simula nang ipatupad ang isang kontrobersiyal na batas limang buwan na ang nakalilipas.

Sinabi ni national police spokesman Per Fiig na dalawang lalaki at tatlong babae ang may dalang mga dollar at euro na nagkakahalaga ng halos 129,600 kroner ($19,300). Inaresto sila noong Martes ng gabi sa paliparan ng Copenhagen dahil sa paggamit ng mga pekeng pasaporte.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga refugee at iba pang migrant ay hindi dapat magkaroon ng valuables na hihigit sa 10,000 kroner ($1,490).

Binatikos ng mga kritiko ang bagong batas na degrading at hindi makatao.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'