JESSY AT LUIS copy

ILANG beses nang itinanggi sa amin ni Luis Manzano ang isyung nagkakamabutihan na sila ni Jessy Mendiola.

Katwiran ng premyadong TV host/actor, magkaibigan lang daw sila at kung nakakakita man daw sa kanila na magkasama ay lakad magkaibigan lang daw ‘yun, huh!

Kahit may sources kami na nagsasabi sa amin may relasyon na sila ni Jessy, super deny pa rin ang panganay na ni incoming Lipa City Cong. Vilma Santos. May sources na kabaligtaran ang sinasabi sa mga denial ni Luis kaya ayaw mamatay-matay ang tsika tungkol sa kanila ni Jessy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Last Monday, may natanggap kaming text message galing sa isang taong malapit kay Luis na ang sabi’y magkasama sila ni Jessy. Katunayan, sinundo pa nga raw ni Luis si Jessy sa tinitirhan ng aktres, huh!

Kalaunan nang araw ding iyon, may nagparating din sa amin na nakita niyang magkasamang nanood ng pelikulang Conjuring 2 ang magkasintahan.

Sa intensiyon namin na makumpirma sana ang natatanggap naming info, nagpadala din agad kami ng text message sa paborito naming Kapamilya TV host.

Pero wala kaming natanggap na kasagutan niya hanggang sa sulatin naming ang item na ito.

So… di ba naman, dear readers? ‘Di makumpirma, pero ‘di naman na makapag-deny. In this corner, korner na korner na sila, as in!

Kung sabagay wala namang masama kung may relasyon na nga sina Luis at Jessy. Pareho naman kasing single ang dalawa.

(JIMI ESCALA)