Nagpahayag ng suporta ang Malacañang sa pagpupursige ng administrasyong Duterte na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ito ang reaksiyon ng papatapos na administrasyong Aquino kaugnay ng pakikipagpulong nitong Biyernes ng matataas na opisyal ng MILF kay incoming President Rodrigo Duterte.
“Mahalagang suportahan ang inisyatiba ng papasok na administrasyon, dahil pakikinabangan naman ng buong bansa kapag nagtagumpay ang peace process,” sabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma.
“Nakakagalak naman para sa atin na makita na sila ay masigasig din sa pagtataguyod sa prosesong pangkapayapaan. At sana’y lumawig pa ang mga pagsisikap na ito,” sabi pa ni Coloma. - Beth Camia