VIENNA (AP) — Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.

Sa ganitong pananaw, idineklara ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) ang pagpataw ng “banned” sa Russia’s track and field athlete bunsod ng isyu sa droga.

Sa naturang desisyon na pinagtibay ng IAAF Council nitong Biyernes (Sabado sa Manila), sinabi ng federation na ito na lamang ang nalalabing paraan para mapigil ang suliranin sa droga na kinasasangkutan ng Russian athletes.

“But don’t run away with the idea that it’s a large number,” pahayag ni IAAF president Sebastian Coe.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ayon sa IAAF, sa kabila ng mga bagong programa ng Russia para labanan ang droga sa kanilang hanay, hindi nagawang maisulong ng asosasyon ang hinihinging pagbabago at progreso sa aspeto ng doping control.

“Russian athletes could not credibly return to international competition without undermining the confidence of their competitors and the public,” sambit ni Coe.

Kaagad na magkakabisa ang banned at hindi na palalaruin sa Rio Olympics ang Russian, kabilang ang mga medalist at world record holder sa nakalipas na dalawang Olympics.

Ikinadismaya ni Russian President Vladimir Putin ang naturang desisyon ng IAAF at sinabing ito ay “unfair”.

“Russia does not accept collective punishment for all athletes,” aniya.

Aniya, hindi tama na parusahan ang isang buong pamilya sa sitwasyon na nagkasala ang isang miyembro nito.

“I hope we will find some solution here, but it does not mean that we will get offended and stop battling doping. On the contrary, we will intensify our fight on doping,” pahayag ni Putin.

Ipinahayag naman ng Russian track federation na iaapela nila ang desisyon sa Court of Arbitration for Sport.

Kinatigan ng IAAF ang naunang rekomendasyon para maprotektahan ang sports.

“The system in Russia has been tainted by doping from the top level down,” sambit ni Rune Andersen, ang Norwegian anti-doping expert na nangasiwa sa imbestigasyon laban sa Russia.

“We cannot trust that what people might call clean athletes are really clean. If you have one or two or five with negative tests, it does not mean the athletes are clean. History has shown that is not the case,” aniya.