Iginiit ng isang election lawyer na maaaring manumpa sa tungkulin si incoming Vice President Leni Robredo kahit sa isang barangay chairman.

Alinsunod sa batas, sinabi ni Macalintal na awtorisado ang isang punong barangay na pangasiwaan ang panunumpa sa tungkulin ng isang bagong halal na opisyal.

“Under Republic Act 10755 approved on March 29, 2016, the punong barangay is authorized to administer the oath of office of any government official, including the president of the Republic of the Philippines,” saad sa pahayag ni Macalintal.

“Hence, VP-elect Robredo may take her oath of office before any punong barangay of her choice,” dagdag niya.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang pahayag ni Macalintal ay bilang pagsegunda sa sinabi ni Robredo kamakailan na plano nitong manumpa sa tungkulin sa harap ng chairman ng Barangay Punta Tarawal sa Calabanga, Camarines Sur.

Ang oath taking ceremony ni Robredo ay planong isagawa sa isang lugar sa Metro Manila.

Habang ang inauguration ceremony ni incoming President Rodrigo Duterte ay isasagawa sa Malacañang sa Hunyo 30, at hindi imbitado si Robredo. (Charissa M. Luci)