Hinimok ng isang arsobispong Katoliko si President-elect Rodrigo Duterte na isantabi ang anumang political differences at bigyan ng pagkakataon si Vice President-elect Leni Robredo na magsilbi sa Gabinete upang mapatunayan ang kanyang kakayahan.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tirona, bagamat ang pangulo ang may karapatang magdesisyon sa mga magiging miyembro ng Gabinete nito, sinabing niyang dapat ding kilalanin ng bagong presidente ang kahalagahan ng Office of the Vice President.

“Ang importante lang is kilalanin na mahalaga siya (Robredo) sa bayan and therefore, magkaroon sana ng pagkakataon na to transcend political lines and to give that person the capacity to work for the good of the people,” paliwanag ni Tirona. (Mary Ann Santiago)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte