Selebrasyon ng Warriors, naunsiyami sa Oracle Arena; Game Six, naipuwersa ng Cavaliers sa Quicken Loan.
OAKLAND, California (AP) — Malinaw pa sa tubig ng Golden Gate bridge na hindi kaya ng Warriors ang Cavaliers na wala ang palabang si Draymond Green.
Sinamantala ng Cavaliers, sa pangunguna nina LeBron James at Kyrie Irving, ang pagkawala ni Green at ang tuluyang pagbagsak ng depensa ng Warriors matapos ma-injured ang 7-foot center na si Andrew Bogut para maitarak ang dominanteng 112-97 panalo nitong Lunes ng gabi (Martes sa Manila), sa Game Five ng NBA Finals sa Oracle Arena.
Nabalewala ang lakas ng hiyawan ng “yellow army” ng Warriors, gayundin ang walang humpay na “booos” kay James para magtumpok ng 41 puntos, 16 na rebound at pitong assist para maisalba ang Cavaliers sa isa pang kabiguan at ibalik ang serye sa Quicken Loan Arena para sa Game Six sa Huwebes (Biyernes sa Manila).
“We’re just happy we got another day. That’s all we can ask for. We got another day to survive. We’re going to start preparing tonight, start preparing tomorrow and whenever Game Six is we’ll be ready,”pahayag ni James.
Hataw din si Irving sa naitumpok na 41 puntos sa gabing kinain niya ng buo ang depensa ni back-to-back MVP Stephen Curry.
Tangan ng Warriors ang 3-2 bentahe at ang kasaysayan na wala pang koponan sa liga na nakabangon sa 1-3 paghahabol at magwagi ng kampeonato.
“I like our position a lot more than I like theirs,” kumpiyansang pahayag ni Warriors coach Steve Kerr.
Makababalik na si Green mula sa isang larong suspensiyon bunsod ng flagrant 1 foul na ibinigay sa kanya matapos ma-review ang sakitan nila ni James sa huling dalawang minuto ng Game Four.
Ngunit, haharapin nila ang Cavs sa Cleveland na punung-puno ng kumpiyansa at tiwala.
Nanguna sa Warriors si Klay Thompson sa nakubrang 37 puntos, habang kumana si Curry ng 25 puntos, ngunit maraming naisablay na open basket ang back-to-back MVP.
“Draymond does a little bit of everything,” pahayag ni Thompson.
“Obviously his playmaking, his communication and his heart and soul. It’s not an excuse though.”
Sa pagkawala ni Green, nanagana ang Cavaliers sa 53 porsiyento sa field goal, kabilang ang 10-of-24 sa three-point shot.
“It’s too simple to say that the Warriors lost because of Green’s absence,”sambit ni Kerr.
“We weren’t very good defensively. We knew we were without Draymond, so there’s no point in harping on that. We had to play better and we didn’t,” aniya.
Matapos ilabas si Bogut dahil sa napinsalang kaliwang tuhod nang butatain niya ang lay-up ni JR Smith, kaagad na umiskor si James sa dunk kasunod ang three-pointer ni Irving para hilahin ang bentahe sa 74-68 na hindi na pinakawalan ng Cavaliers.