Ni JIMI ESCALA

Luis at Jessy DIRETSAHANG itinanggi ni Luis Manzano ang kumakalat na isyung may relasyon na sila ni Jessy Mendiola. 

Ayon kay Luis, walang katotohanan ang tsismis at hanggang sa ngayon daw after Angel Locsin ay wala pa rin siyang karelasyon.

Pero may isang very reliable source na nagkumpirma na may ilang linggo na raw ang itinatagong relasyon nina Luis at Jessy at may mga nakakita pa nga raw sa kanila na magkasama sa isang mall na magkahawak-kamay. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Saan naman ‘yun? It’s not true. Kung may mga nakakita man sa amin na magkasama, eh, ano, wala naman sigurong problema ‘yun. Kumbaga, hindi ba p’wedeng magkasama ang dalawang magkaibigan? Okey lang naman ‘yun. 

“Pero ‘yung sinasabing kami na, eh, one hundred percent hindi po totoo,” paniniguro pa rin sa amin ng panganay na anak ni Cong. Vilma Santos-Recto.