MASAYA na si Patricia Tumulak nang makausap namin after niyang napaiyak nang ma-interview ng ilang entertainment press na siyempre pa, ang naging topic ay ang tungkol sa pamba-bash sa kanya ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, na pareho niyang kasama sa Eat Bulaga.
First time iyon na nag-grant na ng interview si Patring (as she is fondly called ng Dabarkads), dahil tuloy na ang pagsabak niya sa acting sa pamamagitan ng first serye niyang Calle Siete, ang comedy show ng APT Entertainment na mapapanood na simula sa Lunes, June 13, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga. Minsan na siyang umarte sa isang Lenten episode ng Eat Bulaga last Holy Week at nanalo siya ng Breakthrough Performance.
“Never kong naisip na mali-link ako kay Alden, dahil family kami sa EB at ate nga tawag nila sa akin nina Maine, Ryzza Mae Dizon at Baste,” kuwento ni Patricia.
“Nasabi na lang nila na siguro dahil ako lang ang single at walang idini-date ako lang ang pwedeng i-link kay Alden.
Ang dami nilang akusasyon at panlalait sa akin na hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman totoo, pero minsan lang akong nag-react nang napaiyak na ang nanay ko nang minsang hindi ko na-delete ang messages sa cellphone ko at nabasa niya ang masasakit na salita nila. At nang idawit na nila ang pagiging teacher ko, na malanding teacher daw ako.
“Mahal ko ang talagang propesyon ko at ito ang gusto ko, magpatayo ng sarili kong school at magturo ng mga bata.
Bago ako nag-join sa beauty contest nagtuturo ako sa grade school ng Miriam College where I graduated. Sinabi ko na lang sa nanay ko na huwag na kaming sumagot, dedma na lamang sa mga bashers at i-block na lang namin sila.”
Alam ni Patring na never siyang nagustuhan ni Alden, never silang lumabas o nag-dinner at alam niya inimbento na lamang ng mga bashers ang accusations sa kanya dahil hindi naman talaga totoo.
“I’m 28 now, kaya minsan may sinagot ako na ‘ang tanda ko na girl.’ Mas matanda ako kay Alden at ang gusto kong guys, kasing-tanda ko at gusto ko foreigner. Kaya ako na ang umiiwas kay Alden, sinabihan ko na siya na huwag na kaming mag-usap para iwas-gulo na lang.
“Wala naman kaming problema ni Maine, okey na okey kami kapag nasa Broadway siya. Wala akong ginagawang masama, wala akong tinatapakang tao, siguro nga you cannot please everybody, pero ako nagtatrabaho lamang ako. Kaya nagpapasalamat ako sa APT Entertainment at tuluyan ko nang papasukin ang acting. Natutuwa ako kasi light lamang itong Calle Siete at pinapayagan naman ako ng EB na hindi mag-report sa show kapag may taping ako ng Monday, Wednesday and Friday.” (NORA CALDERON)