JERUSALEM (AP) – Sinabi ng Israeli military na binawi nila ang lahat ng permit para sa mga Palestinian na bibisita sa Israel at bibiyahe sa ibang bansa sa panahon ng Ramadan, ang banal na buwan ng mga Muslim, matapos ang pamamamaril ng dalawang Palestinian na ikinamatay ng apat na Israeli at ikinasugat ng limang iba pa sa Tel Aviv noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng COGAT, ang Israeli defense body, noong Huwebes na naka-freeze ang lahat ng 83,000 permit ng mga Palestinian sa West Bank at Gaza para mabisita ang kanilang mga pamilya sa Israel, makadalo sa mga panalangin sa Ramadan sa Jerusalem o makabiyahe sa ibang bansa padaan sa Tel Aviv airport ng Israel.

Bukod dito, naka-freeze din ang Israeli work permit ng 204 na kamag-anak ng mga umatake, at hindi pinapayagan ang mga Palestinian na umalis at pumasok sa West Bank village ng Yatta, ang lugar ng mga salarin.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture