LEMERY, Batangas - Patay ang isang 35-anyos na babae na hinihinalang tulak ng droga matapos umanong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Lemery, Batangas.

Tinamaan ng bala sa ulo si Jonalyn Mondelo, na pinagbabaril habang nakatayo sa harap ng isang sari-sari store.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:30 ng gabi nitong Hunyo 6 nang barilin si Mondeo sa Barangay Maguihan, Lemery.

Natagpuan sa lugar ng krimen ang isang cardboard na may nakasulat na “’Wag akong tularan, pusher ako”.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa record ng pulisya, pansamantalang nakalalaya ang biktima sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

(Lyka Manalo)