CABANATUAN CITY – Isang 35-anyos na matagal nang pinaghahanap ng batas ang naaresto ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police sa Paco Roman Public Market, nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Joselito Villaroza Jr., hepe ng Cabanatuan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang suspek na si Alberto Joson y Dalacat, may asawa, ng Barangay Aduas Sur, at akusado sa statutory rape.

Batay sa record ng pulisya, si Joson ay ikasampu sa most wanted persons sa Cabanatuan City. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog