CITY OF ILAGAN , Isabela - Isang lalaki na lango sa alak ang namatay matapos siyang tumalon sa patrol car ng Naguillan Police na maghahatid sana sa kanya pauwi sa Ilagan City, Isabela.

Nabatid kahapon kay PO1 John Paul Nicholas na ihahatid sana ng mga pulis pauwi ang hindi pa nakikilalang biktima matapos itong masagi ng patrol car habang itinutulak ang motorsiklo nitong nasiraan sa Naguillan, subalit hindi nila inakalang tatalon ito sa bahagi ng Barangay Alibagu sa Ilagan.

Nabagok ang biktima at namatay.

Ayon sa naunang report, patawid ang biktima tulak ang kanyang motorsiklo sa Bgy. Magsaysay, Naguilian, nang masagi ito ng patrol car kaya dinala siya ng mga pulis sa ospital para gamutin ang mga natamo niyang gasgas.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Posibleng wala sa sarili ang biktima dahil sa matinding kalasingan, ayon kay Nicholas. (Liezle Basa Iñigo)